21K hectares ng pananim sa tatlong rehiyon sa bansa, nasira dahil sa Bagyong Aghon – DA

Tinatayang aabot sa 21 thousand hectares ng mahahalagang pananim ang sinira ng Bagyong Aghon.

Sa panayam ng media kay Assistant Secretary for Field Operations U-Nichols Manalo, karamihan sa mga nasalantang pananim ay mga palay.

Matinding naapektuhan ang mga standing crops sa CALABARZON, Bicol at Eastern Visayas.


Asahan aniya na tataas pa ang mga naitatalang mga pinsala dahil nagpapatuloy pa ang validation ng mga field offices sa mga rehiyon na dinaanan ng bagyo.

Nakahanda naman aniya ang mga ayuda sa mga maapektuhang magsasaka, gaya ng pananim na binhi at iba pang farm inputs.

Kumpiyansa naman si Asec. Manalo na walang magiging malaking epekto sa rice supply ang mga naitala pinsala dahil nakapag ani ng palay ang maraming areas sa bansa.

Facebook Comments