Pormal nang sinimulan kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang 21 kilometer Virtual Endurance Run.
Pinangunahan ito ni AFP Chief of Staff Lieutenant General Andres Centino bilang bahagi ng pre-anniversary activity ng AFP.
Ito ay may tema na “Mitigate the Effect of Pandemic through Sports and Physical Fitness”, na layuning makalikom ng pondo para sa pagbili ng karagdagang Personal Protective Equipments (PPEs) ng medical frontliner ng AFP Health Service Command.
Humigit-kumulang 500 indibidwal ang lumahok sa Virtual Endurance Run.
Kinakailangan nilang kumpletuhin ang 21KM na distansya sa loob ng 14 na araw na magtatapos sa Disyembre 3.
Para kay Centino, hindi dapat maisantabi ang nakasanayang pagpapalakas ng katawan dahil lamang sa pandemya.