PRRD, nilagdaan ang isang EO na nagre-regulate sa mga billboards at out of home advertising signs

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 165 na nagre-regulate sa mga out-of-home advertising signs at billboards.

Base sa EO 165, na pirmado ng pangulo nitong Marso 21, 2022 nakasaad ang mga requirements para sa non-mobile advertising signs, billboards, at iba pang support structures.

Naniniwala kasi ang pangulo na ang mga unregulated advertising signs at billboards ay nakapagdudulot lamang ng traffic distractions, banta sa public safety at nakapagdudulot din aniya ito ng pollutants dahil sa uncontrolled height limit ng mga ito.


Kabilang sa ilang standards na dapat masunod ay limang metro na setback ang likuran nito mula sa frontage habang kailangan din aniyang pasado sa Philippine Electrical Code kung high tension wires ang gamit dito.

 

Ang mga electronic signs o LED billboard display ay dapat mayroong minimum display area na 55 square meters.

Pati ang mga rooftop billboards ay hindi dapat ookupahan ang higit sa 1/4 ng street frontage ng gusali habang ang distansiya ng mga itatayong billboard sa mga lansangan o highway ay kailangang may layong 100 metro mula sa isa pang billboard.

Maikukunsidera namang obstruction ang isang billboard kung wala sa 200 metro ang layo nito sa mula sa intended audience.

Samantala, mkakatuwang ng LGU sa pagpapatupad ng EO ang DILG.

Facebook Comments