’21st century classroom’ sa Ilocos, magagamit na sa pasukan

Courtesy of ABS-CBN

Magagamit na sa darating na pasukan ang kauna-unahan sa buong bansa na high-tech classroom sa isang public elementary school sa Burgos, Ilocos Norte.

Sa tulong ng Department of Education (DepEd), Department of Science and Technology (DOST), at Local Government Unit (LGU), sinimulan nakaraang taon ang pagsasaayos sa isang gusali sa Burgos Central Elementary School, para lagyan ng “21st century classroom.”

Naglalaman ito ng mga modernong kagamitan gaya ng interactive board, visualizer, Wi-Fi connection, at applications na makatutulong para mas maging interesting ang pag-aaral ng mga estudyante.


Bukod sa high-tech na gamit, mayroon ding para sa kaligtasan gaya ng earthquake hat na nakatago sa bawat lamesa na magagamit na proteksyon sa oras ng lindol.

Umaasa naman ang DepEd, DOST at LGU na mas marami pang maipatatayong 21st century classroom sa probinsya.

Facebook Comments