21st National Public Service Employment Service Office Congress sa Cagayan de Oro City, matagumpay!

Matagumpay ang isinagawang 21st National Public Service Employment Service Office o (PESO) Congress sa Cagayan de Oro City.

Ang PESO 2021 ay may temang; sama-samang pagtutulungan tungo sa pagbangon ng bayan, na isinagawa sa pamamagitan ng virtual nationwide nitong September 23 at 24, 2021.

Dito ay pinarangalan at kinilala ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang kanilang Regional Offices ang iba’t ibang tanggapan ng PESO sa buong bansa dahil sa kanilang pagsisikap na makapaghatid ng serbisyo sa kabila ng nararanasang pandemya.


Dito sa NCR, pinarangalan sa kategoryang highly urbanized city ang PESO Mandaluyong habang pinarangalan ang PESO Oroquieta, Misamis Occidental.

Wagi sa kategoryang 1st to 2nd class municipility ang bayan ng Angono, Rizal; 3rd to 4th class ang PESO Pila, Laguna at 5th to 6th class municipality ang PESO Balete, Batangas.

Nakuha naman ng University of Batangas ang job placement office category.

Samantala, mula sa Calabarzon area, nakuha ng PESO Laguna ang bayanihan service award sa 1st class province category habang sa 2nd province class category ay ang province peso of Lanao del Sur at 3rd to 5th class province category ang Aurora provincial PESO.

Ang mga nanalong PESO ay napili sa kanilang pambihirang performance at accomplishment mula sa innovation, resilience, humanitarian at pagkakaloob ng trabaho sa mga manggagawang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments