Friday, February 6, 2026

22.63 gramo ng shabu nasabat ng mga otoridad sa Taguig City

Mahigit isang daan apatnaput pitong libong pisong halaga ng shabu ang na samsam ng mga otoridad matapos ikasa ang buy-bust operation sa kahabaan ng Maligaya Street, Purok 5 Barangay Napindan Taguig City, pasado alas-2:00 kaninang madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Gilber Morales Adeza, 25-anyos at Nicole Lucas Carpio, 25-anyos.

Maliban sa ipinagbabawal na droga, narekober din ng mga pulis mula sa suspek ang limang daang piso na ginamit bilang buy-bust money.

Ang nasabing operasyon ay ginawa ng pinagsanib pwersa ng Taguig Police Station drug enforcement unit at ng Philippine Drug Enforcements Agency O PDEA Regional Office.

Nakakulong na ang mga suspek sa Taguig Police Station Custodial Facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 0 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments