22 aktibong pulis, pinadidis-armahan at isasailalim sa restrictive custody dahil sa 990-kilo drug haul

Pinadidisarmahan na at isasailalim sa restrictive custody ang 22 aktibong miyembro ng Philippine National Police (PNP) na kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa kontrobersyal na 990-kilogram drug haul noong October 2022.

Ayon kay Police Regional Office (PRO)-3 Regional Director at Concurrent PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, iniutos ito ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil habang hinihintay ang paglalabas ng warrant of arrest laban sa mga sangkot na pulis

Pinakamataas aniya na ranggo sa mga kinasuhan na aktibong pulis ay isang Lt. Col., habang ang pinakamababa ay isang Patrolman.


Sa kabuuang 30 pulis na nahaharap sa kaso, 2 ang compulsory retired, 3 ang optional retired, 1 ang nagbitiw sa tungkulin, at 2 ang na-dismissed sa serbisyo.

Sinabi pa ni Fajardo na iginagalang ng PNP ang resulta ng imbestigasyon ng DOJ sa nasabing usapin.

Facebook Comments