Dalawampu’t dalawang batang atleta mula sa Dagupan City ang sasabak sa 2025 Palarong Pambansa na gaganapin sa Ilocos Norte.
Inanunsyo kahapon sa isinagawang flag raising ceremony ang pagbiyahe ng mga atleta patungong probinsya, sa pangunguna ng Dagupan City Sports Commission at Sports Development Office.
Kabilang sa mga larangang sasalihan ng mga atleta ang chess, gymnastics, arnis, basketball, boxing, taekwondo, wrestling, at swimming.
Kasama rin ng mga atleta ang kanilang mga coach at sports officials na magbibigay ng suporta habang sila ay lumalahok sa pambansang torneo.
Ipinahayag ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang buong suporta ng lokal na pamahalaan sa mga atleta. Bawat isa sa kanila ay pinagkalooban ng sports allowance na ₱4,500 bilang ayuda para sa kanilang pangangailangan habang nasa kompetisyon.
Ang Palarong Pambansa ay opisyal na gaganapin sa Marcos Stadium sa Ilocos Norte mula Mayo 24 hanggang Mayo 30. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments