22 bangkay, narekober sa main battle area sa Marawi City

164

Manila, Philippines – Dalawangpu’t dalawang bangkay ang narekober ng militar sa main battle area sa Marawi City.

Ito ang kinumpirma ni AFP Spokesperson Major GEn Restituto Padilla.

Aniya ang mga bangkay na ito ay mga terorista na lahat ay mga lalaki na nakita mismo sa dalawang gusaling una nang naging focus ng military airstrikes.

Maliban sa mga bangkay nakarekober rin ang military ng walong matataas na kalibre ng armas kabilang na ang dalawang RPGs, at dose dosenang Improvised Explosive Device.

Sa ngayon sinusuri na ng mga tauhan ng PNP SOCO ang mga labi upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga bangkay.

Dahil sa 22 bangkay na narekober sa main battle area umabot na sa walong daan at dalawa na ang napapatay sa panig ng mga kalabang terorista habang umakyat na sa 160 sundalo at pulis ang nagbuwis ng kanilang buhay.

Facebook Comments