Nasungkit ng mga manlalaro sa iba’t-ibang sports sa Region 1 ang aabot sa 22 gold medals sa katatapos na National Private School Athletes Association o PRISAA 2025 na ginanap sa Tuguegarao City, Cagayan.
Mula sa Senior Category o higher age division na binubuo ng mga high school at college students, ika-siyam sa buong bansa ang Ilocos Region matapos makapag uwi ng kabuuang 56 medals ang mga manlalaro kung saan 14 ang gold medals, 16 silver, at 26 bronze medals.
Labing walong medals naman ang napanalunan ng mga manlalaro sa Youth Category kung saan walo ay gold, anim na silver at apat na bronze medals.
Sa kabuuan nanguna ang Region 12 SOCCSKSARGEN na may 287 medals sa Senior Category habang Region 6 Western Visayas naman na may 243 medals sa Youth Category.
Naging matagumpay at makabuluhan para sa mga manlalaro sa rehiyon ang pagka-kabilang sa mga delegado bilang pagkilala sa kanilang husay sa iba’t-ibang sports. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨