22 kilo ng basura, narekober sa tiyan ng isang patay na sperm whale sa Italy

Natagpuan ang isang patay na buntis na sperm whale sa Sardinia, Italy.

Ang balyena ay may habang 26 na talampakan at naanod sa beach ng Porto Cervo.

Dito nadiskubre ang 22 kilo ng plastik sa loob ng tiyan nito at ang patay na fetus.


Karamihan sa mga basurang nakuha sa tiyan ng balyena ay garbage bag, fishing net at bag ng washing machine liquid.

Inaalam pa ang dahilan ng pagkamatay nito matapos ang histological at toxicological examinations.

Facebook Comments