22 kilos ng Marijuana, Nasabat sa 4 na Suspek sa Mt. Province

Cauayan City, Isabela-Arestado ang 4 na kalalakihan dahil sa tangkang pagpupuslit ng milyong pisong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Otucan Norte, Bauko, Mountain Province noong Agosto 11.

Kinilala ang mga suspek na sina John Randolf Cadaves, 22-anyos at residente ng Metro Manila; Christian Allen Habab, 24-anyos; Aljon James Bangayan, 30-anyos at Mark Hamandre at kapwa mga residente ng Ilocos Sur.

Sakay ng dalawang motorsiklo ang mga suspek ng maharang ng pinagsanib na pwersa ng PDEA at PNP Mountain Province sa isang checkpoint.


Nakumpiska sa mga suspek ang 18 bricks at 9 elongated roll ng marijuana na tumitimbang ng humigit kumulang 21.697 kilos at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa P2 milyon pesos (Php2,603,640.00)

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na nasa kustodiya ng PNP.

Facebook Comments