22 Kinatay na Aso, Nasabat sa Sta. Maria, Isabela!

*Sta. Maria, Isabela-* Arestado ang isang traysikel drayber matapos masabat ang kanyang sinasakyang kulong-kolong na naglalaman ng dalawampu’t dalawang ulo ng kinatay na aso sa brgy. Naganacan, Sta Maria, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Jay-ar Mansibang, bente kwatro anyos, may asawa, trycycle driver at residente ng brgy. San Antonio, Sta. Maria, Isabela.

Batay sa nakuhang kaalaman ng RMN Cauayan, nakatanggap umano ng tawag mula sa isang concerned citizen ang PNP Sta. Maria na umano’y mayroong isinakay na mga kinatay na aso sa isang kulong-kulong na ihahatid sa brgy. Liwan East, Rizal, Kalinga.


Agad namang nirespondehan ng mga kapulisan ang nasabing sumbong at nagsagawa ng checkpoint sa nasabing barangay kung saan dito nasabat ang kulong-kulong ng suspek na naglalaman ng dalawampu’t dalawang patay na aso na tinakpan ng plastik.

Inaresto si Mansibang dahil wala umanong maipakitang permit mula sa Bureau of Animal Industry.

Dinala na sa Sta. Maria Police Station ang mga narekober na kinatay na aso para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda naman ng kapulisan ang kasong Paglabag sa RA No. 8485 o Paglabag sa Animal Welfare Act of 1998 laban sa suspek.

Facebook Comments