22 MANGALDEÑO, HIRED ON THE SPOT SA MALAWAKANG JOB FAIR KASABAY NG LABOR AND EMPLOYMENT MONTH

Nakilahok ang higit isang daang jobseekers sa malawakang job fair na isinagawa sa Mangaldan kasabay ng ika-92 amibersaryo ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa naturang aktibidad, dalawampu’t dalawang indibidwal ang Hired On the Spot na agad nang sasalang sa pinal na proseso ng recruitment para makapag-umpisa na sa pagtatrabaho.

Magkatuwang ang ahensya at lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng mas malawak na oportunidad sa mga residente upang makahanap ng angkop na trabaho at makapagsimula ng bagong kabuhayan.

Daan-daang job vacancies ang tampok sa aktibidad mula sa mga overseas at local employees na malapit lamang sa bayan ang sinubukang pasukin ng mga jobseeker.

Samantala, ang iba pang jobseekers na pasado ay sasailalim pa sa karagdagang screening ng kani-kanilang inaplayan na kumpanya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments