22 mangingisdang Pinoy na nailigtas sa Recto Bank, patuloy na makakatanggap ng ayuda mula sa DSWD

Tiniyak ng department of Social Welfare and Development (DSWD) na patuloy ang ibinibigay na ayuda sa 22 mangingisdang nasagip sa Recto Bank hanggang sa makabangon sila mula sa insidente.

Nakapagbigay na ang ahensya ng tig-10,000 pesos na cash assistance sa mga mangingisda sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program.

Nagpaabot na rin ng dalawang family food packs sa bawat mangingisda.


Isasailalim din ang mga ito sa psychosocial intervention.

Sinisilip na rin ng DSWD ang livelihood assistance sa pamilya ng mga ito sa pamamagitan ng sustainable livelihood program at educational assistance para sa kanilang mga anak.

Facebook Comments