Manila, Philippines – Aabot sa 22 millyong dolyar na halaga ng mga armas ang ibibigay ngayong araw ng pamahalaan ng china sa Armed Forces of the Phil.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo ngayon alas nwebe ng umaga isasagawa ang seremoya para sa hand over ng mga donasyon ng Ministry of National Defense of Peoples Republic of China sa AFP.
Kabilang sa mga ibibigay ng China sa AFP ay ang tatlong libong piraso ng M4 rifle, tatlong milyong rounds ng assorted ammunition.
Mismong si Chinese Ambassador to the Philippines XIao Jinjua ang aabot ng donasyon na tatangapin naman nina Defense Sec. Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na isasagawa sa Camp Aguinaldo.
Sinabi pa ni Arevalo na malaki ang maitutulong ng mga karagdagang mg armas na ito sa kanilang mga ikinasakasang comba operation hindi lang sa lungsod ng marawi na ngayon ay patuloy ang gulo sa halip saan man panig ng bansa na kakailanganin ang mga donasyong armas.