22, nasawi sa pananalasa ng bagyong Usman

Dalawampu’t dalawang (22) indibidwal ang nasawi matapos ang pananalasa ng Bagyong Usman.

Mula sa kabuuang bilang, 16 ay naitala sa Bicol region habang anim sa Eastern Visayas.

Ayon kay NDRRMC Spokerperson Edgar Posadas – karamihan sa mga namatay ay biktima ng landslide.


Sa Legazpi City, Albay – tatlong myembro ng pamilya ang nasawi matapos matabunan ng lupa ang kanilang bahay noong sabado ng umaga.

Isa naman sa sorsogon kung saan limang iba pa ang nawawala habang tatlo rin ang reported missing sa eastern visayas.

Gayunman, ayon kay Posadas – bineberipika pa nila kung ang mga naitalang casualty ay bunsod talaga ng bagyong Usman.

Samantala, ilang lugar sa region 5 at 8 ang walang suplay ng kuryente at lubog sa baha.

Facebook Comments