22 Patay, 75 Sugatan Sa Pagguho Ng Isang Flyover Sa India

8

KOLKATA, INDIA – Patay ang 22 katao habang mahigit isang daan ang posibleng na-trap matapos gumuho ang ginagawang flyover sa Girish Park sa Kolkata, India.Bukod sa mga nasawi, sinabi ni Kolkata Police Sgt. Saurav Benerjee, nasa 75 ang nasugatan sa insidente na dinala sa Kolkata’s Medical College Hospital.Ayon kay National Disaster Management Authority Maj. Gen. Anurag Gupta, patuloy ang kanilang rescue operation sa na-trap na mga biktima.Tiniyak naman ng kompanya na nagtatayo ng flyover na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon.Sa ngayon, hindi pa malinaw ang sanhi ng pag-collapse nito.

Facebook Comments