22 patay sa magnitude 5.8 na lindol sa Pakistan

Umabot na sa 22 katao ang patay habang higit 700 naman ang sugatan matapos tumama ang magnitude 5.8 na lindol sa northeast Pakistan nitong Martes.

Ayon sa ulat, naitala sa lungsod ng Jehlum sa Eastern Punjab Province ang epicenter ng lindol na may 10 kilometrong lalim.

Nabatid na kabilang sa mga nasawi ay mga babae at bata na pawang naipit sa mga gumuhong pader at kisame.


Tiniyak naman ng mga otoridad na mabibigyan ng tents, suplay ng pagkain at iba pang mga pangangailangan ang mga naapektuhan ng lindol.

Facebook Comments