22, patay sa pananalasa ng Bagyong Odette sa Negros Oriental; 2 sa Dumaguete City

Dalawampu’t dalawang indibidwal ang naitalang nasawi sa Negros Oriental dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette.

Sa nasabing bilang, 15 ay mula sa Bais City kabilang ang isang sanggol na nahulog mula sa braso ng kanilang mga magulang habang nagmamadaling lumikas sa gitna ng tumataas na tubig-baha.

Libu-libo rin ang nawalan ng tirahan sa lungsod at maraming kabuhayan ang nasira dahil sa bagyo.


Nagdeklara na ng state of calamity sa Bais City.

Samantala, dalawa naman ang napaulat na nasawi sa Dumaguete City dahil sa mga naglalaglagan debris.

Kabilang dito ang babaeng nasawi matapos na matumbahan ng puno ang kanilang bahay habang nadaganan naman ng pader habang natutulog sa loob ng isang simbahan ang lalaking biktima.



Facebook Comments