22 Pilipinong mangingisdang nailigtas sa Recto Bank, nag-iba ng tono

Mistulang nag-iba ang tono ng 22 mangigisdang Pinoy na noong una ay nanindigang sinadya ng Chinese vessel ang pagbangga sa kanilang bangka sa bahagi ng Recto Bank.

Ito ay matapos ng pakikipag-dayalogo sa kanila ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa San Jose, Occidental Mindoro kahapon.

Ayon sa kapitan ng fishing boat na si Jonel Insigne – nadala lang siya ng emosyon kaya nasabi niya noon na sinadya silang banggain ng mga Tsino.


Nag-sorry rin ang kapitan kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pag-aakalang ito ang nagpatawag sa ini-snob niyang pulong sa Malacañang.

Muli rin namang umapela si Insigne kay Pangulong Duterte na tulungan silang mapanagot ang mga Tsino dahil sa pag-abandona sa kanila sa Recto Bank.

Samantala, matapos ang dayalogo ipinagkaloob sa kanila ng BFAR ang mga bagong bangka, bigas at P45,000 na tulong pinansyal sa kada isang mangingisda.

Facebook Comments