Aabot pa sa 22 Pilipinong apektado ng pananakop ng Russia sa Ukraine ang naghihintay na mapauwi sa bansa.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Sarah Lou Arriola, apat sa kanila ang nananatili pa sa siyudad ng Lviv sa Ukraine, 13 ang nasa Warsaw, Poland habang lima ang nasa Moldova.
Una nang nakauwi rito sa Pilipinas ang anim na Pinoy habang inihahanda na rin ang repatriation ng 13 nasa Poland na mismong si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang sumalubong mula sa border ng Poland at Ukraine.
Samantala, mayroon namang ilang Pinoy na ayaw umalis ng Ukraine kung saan ang ilan sa kanila ay mga nakapag-asawa na ng Ukrainians.
Sabi pa ni Arriola, may mga Pinoy na household service workers sa Kyiv na lilikas kasama ng kanilang mga employer.
Para naman sa mga nangangailangan ng repatriation assistance, mangyari lamang na kontakin ang Philippine Embassy sa Poland sa mga sumusunod:
Email: (warsaw.pe@dfa.gov.ph)
Emergency mobile number +48 604 357 396
Office mobile number +48 694 491 663
Philippine Honorary Consulate General sa Kyiv, Ukraine
mobile number +380 67 932 2588