22 Pinoy seaman inaresto sa Altamira Mexico matapos makuhaan ng mahigit 200 kilo ng cocaine

Nakakulong na  ngayon ang 22 mga Pinoy seamen makaraang  mahulihan  ng 225 kilo ng Cocaine ang kanilang Barko sa  Altamira Mexico.

 

Sa report na nakuha ng DZXL nakuha ang mga iligal na droga matapos ang isinagawang inspection ng La Secretarya De Marina Armada De Mexico.

 

Ang barko ay Cyprus registered  na UBC SAVANNAH  na may 23 Tripulante.


 

Ang barko ay kargado ng Coal galing ng Barranquilla, Colombia at dumaan sa Puerto ng Altamira, Mexico bago tutuloy ng Houston, Texas sa Amerika.

 

Ang local Manning Agency na nagpadala sa mga Crew ng UBC SAVANNAH ay  mula sa Hartmann crew Philippines.

Facebook Comments