22 PNP personnel nadagdag sa bilang ng mga positibo sa COVID-19

Nadagdagan na naman ang bilang ng mga Philippine National Police (PNP) personnel na nagpositibo sa COVID-19.

Batay sa ulat ng PNP Health Service may panibagong 22 na tauhan ng PNP ang naging infected ng COVID-19.

Dahil dito umabot na sa 8,611 ang kabuuang bilang ng COVID cases sa PNP.


Ang bagong 22 naitalang COVID cases, pito ay mula sa National Operation Support Unit (NOSU), anim mula sa Police Regional Office (PRO) Cordillera, apat sa sa National Capital Region Police Office (NCRPO), tatlo sa National Headquarters at tig-isa sa PRO 4A at PRO 8.

Good news naman dahil kung may mga nagdagdag na positibo sa COVID, 32 PNP personnel naman ang gumaling nasa COVID-19.

Kaya mayroon ng 8,168 recoveries ang PNP habang 416 na lamang ang active cases at nananatili sa 27 ang namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments