22 pulis na sangkot sa drug recycling, binabantayan ng PNP

Nasa 22 pulis ang binabantayan ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa ‘drug recycling.’

Ayon kay PNP spokesperson, Brig/Gen. Bernard Banac – ang scheme ng mga ninja cop ay hindi organisado o matutulad sa mga sindikato.

Sinabi ni Banac na malaking halaga ang pera ang pinag-uusapan dito.

Una nang sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na 53 pulis ang nasa listahan ng ninja cops.

Haharap naman sa Senado si PNP Chief Oscar Albayalde kaugnay sa mga alegasyong bumabalot sa kapulisan.

Facebook Comments