22 suspected election related incidents, naitala ng PNP

Nakapagtala ng 22 suspected election related incidents ang Philippine National Police (PNP) kaugnay nang nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, mula sa nabanggit na bilang, 11 rito ay validated bilang non- election related incidents (ERI) habang dalawa ang validated election-related incidents.

Ang natitirang siyam naman ay nakalista bilang suspected election-related incidents habang isinasagawa ang imbestigasyon at validation.


Sinabi pa ni Fajardo na naitala sa Region 5 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang dalawang natukoy na validated ERI habang ang 11 na non ERI ay naitala sa Regions 3, 5, 8, 9, 12 at 13.

Samantala, hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, nakakumpiska na ang PNP ng 286 firearms dahil sa paglabag sa gun ban.

Nasa 273 rito ang small firearms at 13 ang light weapons.

Facebook Comments