Umaabot na sa 22, ang kumpirmadong election related incidents (ERIs).
Ang datos ay mula Oktubre 24 kung saan mula ito sa 121 mga kasong namonitor ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP PIO chief PCol. Jean Fajardo, sa 22 validated election related incidents, 13 rito ay shooting incidents, 2 kidnapping, 1 grave threat, 2 light threat, 1 robbery with intimidation with violation of domicile,1 discriminate firing, 1 armed encounter , at 1 harassment.
Ani Fajardo, sa 22 validated election related incidents; 5 rito ay nangyari sa BARMM, 4 sa Cordillera Administrative Region, tig-3 sa Region 8 at Region 10, 2 kaso sa Region 5, tig-1 sa region 1 at Region 4-A, 2 sa Region 7 at 1 sa Region 9.
Hindi pa kasama rito ang pinakahuling insidente na nangyari sa Cotabato kung saan 3 ang nasawi.
Samantala, 28 naman ang naitalang suspected ERI at 71 naman ang non-ERI.