
Cauayan City – Mahigit 220 pamilya mula sa bayan ng Echague ang opisyal nang nagtapos sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2.
Kasama rin sa seremonya ang sampung iskolar na nakapagtapos sa kolehiyo sa tulong ng programa.
Ayon kay Echague Mayor Francis Faustino Dy, patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan, Pamahalaang Panlalawigan, at ng tanggapan ni 6th District Congressman Faustino Dy V upang matulungan ang mga pamilyang unti-unti nang nakakabangon mula sa kahirapan.
Sinuri ng DSWD ang mga benepisyaryo at idineklarang self-sufficient na ang mga ito, kaya’t hindi na sila sakop ng cash assistance mula sa 4Ps.
Sa pagtatapos ng mga benepisyaryo sa programa, inaasahang magiging mas matatag ang kanilang kinabukasan sa pamamagitan ng kanilang natamong edukasyon at kasanayan.