220 PDL ng BJMP Cauayan City, Maayos pa rin ang Kalagayan

Cauayan City, Isabela- Nasa mabuting kalagayan pa rin ang 220 na Persons Deprived of Liberty (PDL) na kasalukuyang naka kulong sa Cauayan City District Jail.

Ito ang tiniyak ni Chief Inspector Bonifacio Guitering, Jail Warden ng BJMP Cauayan City sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Kanyang sinabi na mayroong nakatalagang nurse at araw-araw na mino-monitor ang kalusugan ng bawat PDL upang matiyak na ligtas ang mga ito sa sakit at maayos ang kanilang pangangatawan.


Patuloy din aniya ang kanilang mahigpit na implementasyon sa health and safety protocols at paggamit ng “E-Dalaw” system o “virtual visit” ng pamilya o kaanak sa mga naka-detain para iwas sa COVID-19.

Samantala, ibinahagi ni Chief Inspector Guitering na halos 50 porsyento na sa mga PDL ang nabigyan na ng kumpletong bakuna samantalang marami na rin aniya sa mga PDL ang nabakunahan na ng First dose at inaasahan sa mga susunod na araw ay ituturok na ang kanilang second dose.

Facebook Comments