22,000 MT ng sibuyas, planong angkatin ng DA

Balak ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng 22,000 metriko toneladang sibuyas upang wakasan ang patuloy na pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.

Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, dapat na dumating ang mga aangkating sibuyas sa huling linggo ng Enero o unang linggo ng Pebrero.

Ito ay upang hindi sumabay sa peak harvest ng sibuyas sa bansa na magsisimula sa Pebrero at Marso.


Nabatid na sa halip na bumaba ay tumaas pang lalo ang presyo ng sibuyas nitong mga nakaraang araw.

Hindi rin nasusunod ang inilabas na suggested retail price ng DA na ₱250 kada kilo.

Bagama’t may nabibiling puti at pulang sibuyas sa Nueva Ecija sa halagang ₱200 kada kilo ay mga reject naman ito o maliliit.

Facebook Comments