22,000 saliva tests kada araw, target ng PRC oras na mabuksan ang 10 pa nitong laboratoryo sa Pebrero

Aabot sa 22,000 saliva tests kada araw ang maaaring magawa ng Philippine Red Cross (PRC) sa buong bansa.

Ito ay oras na magsimula na ring tumanggap ng saliva testing ang sampu pang molecular laboratory ng PRC sa labas ng Metro Manila.

Sa ngayon kasi, tanging ang laboratoryo lamang ng PRC sa Mandaluyong at Port Area sa Maynila ang nagsasagawa ng nasabing test epektibo ngayong araw.


Ayon kay PRC Biomolecular Laboratories Head Dr. Paulyn Ubial, 8,000 tests kada araw ang magagawa nila sa Metro Manila.

Sa Pebrero 5, 2021 naman target na mabuksan ang 10 pang laboratoryo na matatagpuan sa Isabela; Clark, Pampanga; Subic; Batangas; Bacolod; Cebu; Iloilo; Zamboang; Cagayan De Oro at Surigao.

Samantala, P2,000 ang sisingilin ng PRC kada test na higit na mas mura kumpara sa P3,800 na presyo ng RT-PCR swab test.

Habang aabot lamang sa tatlo hanggang apat na oras ang proseso at maaari nang makuha ang resulta sa loob ng 24 oras.

Facebook Comments