22,000 trabaho, alok sa gaganaping job fair sa SBMA

Higit 22,000 trabaho ang maaaring aplayan ng mga ‘skilled’ workers sa isasagawang job fair sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) gymnasium sa February 9.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, bukas ang naturang job fair para sa mga naghahanap ng trabaho sa Central Luzon at mga kalapit na lugar.

Lalahukan ang job fair ng nasa 77 kumpanya.


Karamihan sa mga hinahanap nila ay mga karpintero, steel men, welders, pipe-fitters, scaffolders, painters, electricians, laborers at masons.

Magkakaroon ng pre-registration para sa mga job seekers bukas, February 4 at sa February 6 at 7 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon sa SBMA gym.

Facebook Comments