Target ng pamahalaan na makagawa ng nasa 140,000 hanggang 220,000 na trabaho sa susunod na taon kasabay ng planong buhayin ang ekonomiyang pinadapa ng pandemya.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, layunin ng pamahalaan na mapalakas muli ang ekonomiya at makagawa ng maraming trabaho sa tulong ng 2021 national budget at ng malawak na infrastructure program.
Ang economic stimulus plan ay sasabayan ng health protocols para makontrol ang pagkalat ng COVID-19.
Maliban sa 2021 National Budget, makakatulong sa pagbuhay ng ekonomiya ang Build Build Build Program lalo na sa paglikha ng mga trabaho.
Para kay Nograles, mahalagang unti-unting binubuksan ang ekonomiya para makabalik ang mga tao sa kanilang mga trabaho, maibalik ang consumer confidence, at mapalakas ang economic activity.