Monday, February 23, 2026

221 DAGUPEÑO, NAKINABANG SA LIBRENG DENTAL SERVICES SA LUNGSOD

Kabuuang 221 Dagupeño ang nakinabang sa libreng dental services na inilaan para sa mga indigent beneficiaries sa Dagupan.

Sa tala, 120 ang nabigyan ng tooth cleaning, 52 ang sumailalim sa tooth filling o pasta, at 49 naman ang nabunutan ng ngipin.

Isinagawa ang mga serbisyo sa ilalim ng maayos at ligtas na proseso upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente.

Naging katuwang sa aktibidad ang AFP Chief Dental Service, International College of Dentists, Pangasinan Dental Association, at ang City Health Office Dagupan, kasama ang mga volunteer dentist at health personnel na naglaan ng oras at serbisyo para sa programa.

Layunin ng inisyatibong ito na mapalawak ang akses ng mga residente sa serbisyong pangkalusugan, partikular sa dental care, at maiwasan ang mas malalang komplikasyon sa ngipin at bibig sa pamamagitan ng maagap na gamutan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, patuloy itong magsasagawa ng mga kahalintulad na programa upang mas maraming mamamayan ang makinabang sa libreng serbisyong medikal at dental sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments