221 distressed overseas Filipinos, na-repatriate na ng DFA

Nasa 221 distressed overseas Filipinos na nawalan ng trabaho sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa COVID-19 ang nakauwi na sa Pilipinas sa tulong ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang mga overseas Filipinos, kabilang ang ilang bata at dalawang sanggol ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pamamagitan ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 0659 nitong September 25, 2020.

Ayon sa DFA, nag-avail ang distressed Filipinos ng repatriation assistance mula sa pamahalaan matapos silang mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.


Kabilang sa mga nag-avail ay mga overstaying Filipinos na kumuha ng nagpapatuloy na immigration amnesty na alok ng UAE government.

Ang Philippine Consulate General sa Dubai ay nakapagsagawa na ng repatriation sa 2,233 Filipinos sa Dubai at Northern Emirates mula nang magsimula ang pandemya.

Facebook Comments