222 na health workers, ipinakalat sa may 48 evacuation centers sa QC

Nag-deploy si Mayor Joy Belmonte ng abot sa 222 na health workers sa may 48 evacuation center sa Quezon City (QC).

Kasunod ito ng personal na pag-inspeksyon ng lady mayor sa mga flooded areas at evacuation centers.

Una niyang pinuntahan ang Bagong Silangan at ang Filinvest.


Ikakalat ang mga health workers sa mga evacuation centers upang i-monitor ang mga evacuees sa loob ng dalawang linggo upang tiyakin na walang mangyayaring COVID infections.

Abot sa 26 barangay ang apektado ng Bagyong Ulysses.

Apektado rito ang nasa 2,566 na pamilya o katumbas ng 9,091 na indibidwal.

Patuloy namang tinutugunan ng lokal na pamahalaan ang pangangailangan sa mga evacuation centers gaya ng pagsasaayos ng dagdag na comfort rooms, lutuan at iba pa.

Binigyan muna ng anti-leptospirosis vaccine ang mga miyembro ng rescue teams bago sila ipinakalat sa mga apektadong barangay.

Sa Barangay Bagong Silangan, dalawampung indibidwal na na-trap ang ni rescue ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QC-DRRMC).

Nangako ang LGU na pagkakaloob ng pabahay program sa mga nasira ang mga bahay.

Kabilang sa mga residenteng inilikas mula sa low-lying at flood prone areas ay dinala sa evacuation centers gaya ng Brgy. Mariblo, Masambong, Batasan, Bagong Silangan, at Tatalon.

Facebook Comments