224 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa bansa kahapon

Umakyat na sa 3,682,847 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 224 panibagong kaso ng virus.

Dahil dito, bumaba na sa 22,150 mula sa 23,199 noong Biyernes Santo ang aktibong kaso ng COVID-19 matapos makapagtala ng 1,265 na gumaling sa sakit.

Mababatid na noong January 2 ay naitala ang pinakamababang bilang ng active cases na 21,418.


Sa kabila nito, aabot na sa 59,964 ang total COVID-19 deaths matapos makapagtala ng walong bagong namatay sa sakit kahapon.

Facebook Comments