Cauayan City, Isabela- Matagumpay na ikinasal ngayong araw, Pebrero 26, 2021 ang nasa 225 magsing-irog sa katatapos lamang na Kasalang Bayan sa Lungsod ng Ilagan.
Pangungunahan ito ni City Mayor Josemarie Diaz bilang solemnizing officer para sa sabayang pag-iisang dibdib ng daan-daang couples.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Paul Bacungan, Information Officer ng City of Ilagan, kanyang sinabi na marami pa sa mga Ilagueño ang nais sumabay sa mass wedding ngunit 225 pares lamang ang pinayagan ng alkalde dahil na rin sa banta ng COVID-19 pandemic.
Sa ginanap na mass wedding ay sinunod pa rin ang ipinatutupad na health and safety protocols ang Lungsod sa idinaos na Kasalang Bayan.
Ayon pa kay Ginoong Bacungan, bahagyang inistriktuhan ang kasal ng mga magsing-irog dahil wala na munang ‘Longest kiss’ para sa mga bagong kasal na dating isinasagawa sa tuwing may Kasalang Bayan sa Lungsod.