Maraming eskwelahan ang napinsala matapos manalasa ang Bagyong Rolly.
Sa datos ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng Department of Education (DepEd) nitong November 3, nasa 226 paaralan at 7,169 learning materials ang nasira sa kasagsagan ng hagupit ng bagyo.
Karamihan sa mga eskwelahan ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Eastern Visayas.
Nasa 138 ay mayroong totally-damaged classrooms, 289 ang nagkaroon ng major partial damage at 609 ang mayroong minor partial damage.
Tinatayang aabot sa ₱489.5 billion ang halaga ng kakailanganin para sa reconstruction nat rehabilitation ng mga nasabing pinsala.
Mula nitong October 31, pinagana na ng DepEd ang Rapid Assessment of Damages Report (RaDaR) para sa infrastructure at non-infrastructure response interventions maging ang pagpapadala ng DRRM Teams sa mga apektadong rehiyon.