229 RESIDENTE NG MALAYONG BARANGAY SA BAYAMBANG, LIBRENG NAKAPAMASYAL SA THEME PARK

Nakapamasyal nang libre sa isang theme park sa Bayambang ang 229 na residente ng Barangay Pantol matapos sagutin ng lokal na pamahalaan ang kanilang biyahe at entrance ticket kahapon, Disyembre 23.

Isinagawa ang aktibidad upang mabigyan ng pagkakataong makaranas ng pasyalan ang mga residente ng barangay na kailangang bumiyahe nang malayo upang makarating sa sentro ng bayan.

Sagot ng lokal na pamahalaan ang entrance fee at transportasyon ng mga benepisyaryo mula sa barangay patungo sa theme park at pabalik.

Naging katuwang sa pagpapatupad ng aktibidad ang Municipal Social Welfare and Development Office sa koordinasyon ng mga residente.

Facebook Comments