Aabot sa 22,000 bagong bahay ang kailangang itayo para sa mga residenteng nawalan ng tirahan matapos ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Batangas Gov. Hermilando Mandanas – ang datos ay base sa mga inisyal na assessment.
Aniya, magsasagawa ng Rapid Damage Assessment Batangas Provincial Disaster Management Office sa pangunguna ni Lito Castro para beripikahin ang bilang ng mga bahay na pinadapa ng bulkan.
Sinabi ng gobernador na may mga tinukoy na silang resettlement area para sa mga residenteng nawalan ng bahay, subalit ang kabuoang proseso ay aabutin ng hanggang dalawang taon.
Tiniyak ng provincial government na itatayo ang Magiting Centers sa mga lugar na apektado ng eruption para magbigay ng pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain.