Umabot na sa 23,186,969 Pilipino ang nakakumpleto na o fully vaccinated na kontra COVID-19.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, katumbas ito ng 30.06% ng 77 milyon na target population.
Nasa 26,486,522 naman o 34.34% ang nakatanggap na ng unang dose hanggang nitong Oktubre 10.
Sa kabuuan, aabot na sa 49,673,491 ang nabakunahan sa buong bansa.
Habang Metro Manila, sinabi ni Roque na 7,579,220 indibidwal o 77.53% na ng 9.8 milyon na target population ang fully vaccinated na.
Sa Metro Manila po ha, nasa mahigit 16 million or 16,500,247 ang total doses administered. Ang magandang balita po, halos nine million or 8,921,027 ang nakatanggap na ng first degree, ibig sabihin, 91.25% na po ang mayroong first dose. Habang nasa mahigit 7.5 million or 7,579,220 or 77.53% na po ang fully vaccinated sa Metro Manila.” ani Roque
Muli namang hinikayat ng pamahalaan ang publiko na magpabakuna na ng kahit anong brand ng COVID vaccine na aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) at World Health Organization (WHO).