23.6 milyon estudyante, nakapag-enroll na para sa School Year 2020-2021 – DepEd

Umabot na sa 23.6 million students ang nag-enroll para sa School Year (SY) 2020-2021.

Batay sa national enrollment data ng Department of Education (DepEd) mula nitong August 25, aabot na sa 23,671,227 enrollees sa buong bansa para sa Kindergarten hanggang Grade 12, kabilang ang Alternative Learning System (ALS) at non-graded learners with disabilities.

Ayon sa DepEd, nasa 85.17% nito ang kabuuang enrollment noong SY 2019-2020.


Nasa 21.8 million students ang nag-enroll sa public schools habang nasa 1.79 million students sa private schools.

Malaking bilang ng enrollees ay naitala sa CALABARZON (3.22 million), kasunod ang Metro Manila (2.47 million) at Central Luzon (2.43 million).

Nabatid na ipinatutupad ng DepEd ang “remote enrollment” system sa buong bansa ngayong taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments