23.7 milyong Pilipino, walang trabaho nitong Setyembre – SWS Survey

Umabot sa higit 23 milyong Pilipino ang walang trabaho nitong Setyembre sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 23.7 million Filipinos o 39.5% ng adult labor force ang walang trabaho.

Mababa ito kumpara sa 45.5% nitong Hulyo o katumbas ng 27.3 million jobless Filipinos.


Bagama’t bumuti ang adult joblessness rate, nananatili pa rin itong mataas.

Ang mga itinuturing walang trabaho ay mga boluntaryong umalis sa kanilang huling trabaho, mga unang beses pa lamang na naghahanap ng trabaho, mga nawalan ng trabaho bunga ng ‘economic circumstances.’

Lumabas din sa survey na 14% o dalawa mula sa limang unemployed Filipinos ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, 22% ang nawalan ng trabaho bago ang pandemya, 12% ang hindi pa kailanan nagkaroon ng trabaho at 52% ang mayroong trabaho.

Ang national mobile phone survey ay isinagawa mula September 17 hanggang 20.

Facebook Comments