
Arestado ang 23-anyos na babae sa San Juan, Abra matapos umanong manira ng kapwa sa pamamagitan ng social media.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Jean,” na naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa operasyon ng Mountain Province Provincial Cyber Response Team.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 355 (Libel) ng Revised Penal Code kaugnay ng Section 4 ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
May nakalaang piyansa na ₱10,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Panawagan naman ng awtoridad sa publiko na maging responsable sa paggamit ng social media.
Facebook Comments








