Isang ina ang personal na dumulog sa himpilan ng pulisya sa San Carlos City upang humingi ng tulong para mahanap ang kanyang 23-anyos na anak na nawawala mula pa noong huling linggo.
Ayon sa pulisya, kinilala ang nawawalang binata bilang isang college student na residente rin ng lungsod.
Sinabi ng kanyang ina na nagpapaalam ang anak na pupunta sa Barangay Pagal ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito nakakabalik.
Batay sa paglalarawan, ang nawawalang binata ay may taas na 5’6, suot ang dilaw na damit at pantalon noong huling makita.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang kinaroroonan ng binata. Hinihikayat ng pulisya ang sinumang may impormasyon ukol sa insidente na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.
Nanawagan rin ang pamilya sa publiko na tulungan sila sa paghahanap sa kanilang mahal sa buhay.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨