23-ANYOS NA LALAKI, NAHULIAN NG TUYONG DAHON NG MARIJUANA

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang 23-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Police Station 2 at PDEA RO2 kahapon, ika-27 ng Mayo sa Purok 1, Rizal, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Kulas”, nasa hustong gulang at mula Purok 5 ng nabanggit din na barangay.

Ayon sa ulat, naaresto ang suspek matapos nitong bentahan ng tuyong dahon ng marijuana na nakalagay sa isang nakatuping papel ang isang awtoridad na na nagpanggap na buyer. Kabilang din sa nakuha ang buy-bust money na nagkakahalaga ng P3,500 at cellphone.

Dinala ang suspek at mga nakuhang ebidensya sa Santiago City Police Station 2 para sa kaukulang dokumentasyon ng kanyang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments