23-anyos na lalaking may deperensya sa pag-iisip nag bigti-patay

New Washington, Aklan – Wala ng buhay ng matagpu-an ang isang 23-anyos na lalaki sa isang bodega matapos na magbigti sa District 3, Brgy. Pinamuk-an, New Washington, Aklan kahapon.
Base sa imbestigasyon ng New Washington PNP na nakatanggap sila ng report galing sa punong barangay ng nasabing lugar tungkol sa pagbigti-patay ng biktima.
Sa pag dating ng mga otoridad ay nadatnan nilang nakuha na ang biktima sa kanyang pagkabigti at tinangka pang ma revive ng kanyang tiyo pero wala na.
Gamit ng biktima ang nylon rope sa kanyang pagbigti.
Kumbensido naman ang pamilya ng biktima na walang foul play sa pagkamatay ng biktima at sinabi rin nila sa mga otoridad na meron itong deperensya sa pag-iisip.
NOTE: Ang lahat ng problema may solusyon. Kung ikaw ay may problema at gusto mong makahanap ng kausap, tumawag lamang sa HOPE hotline ng DOH-Center for Health Development sa Western Visayas sa numero. 1-800-10-333-8336 0998-532-4047 0917-775-9256 0925-546-9919

Facebook Comments