Sabay-sabay na inihaw ang 23 baboy sa isinagawang Lechonan ed Barangay noong Sabado sa Barangay Lasip Chico, Dagupan City.
Bahagi ito ng selebrasyon ng ikatlong Lechon Festival ng barangay, bilang pagdiriwang sa industriya ng paglelechon na pangunahing hanapbuhay ng mga residente.
Dumalo sa okasyon ang mga lokal na opisyal ng lungsod, daan-daang residente, at ilang turista na naengganyo sa makulay at masaganang selebrasyon.
Nagkaroon din ng libreng tikim ng lechon upang ipamalas ang natatanging sarap, linamnam, at lutong ng kanilang produkto.
Samantala, ibinenta ang mga lechon sa halagang P800 kada kilo, na mas mababa kumpara sa karaniwang presyo sa merkado.
Matatandaang noong Setyembre 2024 ay idineklara ang Barangay Lasip Chico bilang Lechon Capital ng Dagupan City.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







