Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng dalawampu’t tatlong (23) panibagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw ng Lunes, Enero 11, 2021, mula sa dalawampu’t tatlo na bagong kaso; siyam (9) ang naitala sa Lungsod ng Cauayan; pito (7) sa Lungsod ng Ilagan; anim (6) sa bayan ng San Mariano; at isa (1) sa bayan ng Tumauini.
Gumaling naman sa nasabing sakit ang labing isang (11) COVID-19 patients kaya’t tumaas na sa 3,007 ang kabuuang bilang ng nakarekober sa virus.
Dahil dito, tumaas sa 450 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.
Sa bilang na 450 total active cases; apat (4) rito ay mga Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); dalawampu’t apat (24) na Health worker; tatlumpu’t isang (31) pulis; at 391 na Local Transmission.